FILING NG AR NG MGA DAYUHAN WALANG EXTENSION

HINDI  bibigyan ng palugit ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat na mga dayuhan sa itinakdang deadline para mag-submit ng kanilang annual report sa taong 2022, ayon kay Commissioner Jaime Morente.

Walang maibibigay na extension ang ahensiya sa taong ito kumpara noong nakalipas na taon, at kinakailangang i-submit ang kanilang AR sa Marso 1 at ang susuway sa kautusan na ito ay may kaakibat na kaparusahan kasunod ang deportation.

Dagdag pa ni Morente na sa ilalim ng registration act, ang lahat ng registered alien sa Pilipinas ay kailangang mag-report sa Bureau sa loob ng 60 araw maliban sa mga minor, buntis at 65 anyos.

Sa mga hindi pa nag-file ng kanilang mga AR ay hinimok na sa lalong madaling panahon ay mag apply ng slots sa BI online appointment system bago magtungo sa BI main office.

Pagdating sa BI main office o kaya sa field district offices, at satellite offices ipakita ang original alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) kasama ang valid passport. Froilan Morallos