FILING NG COC SA SPECIAL POLLS SA CAVITE ITINAKDA

NAKATAKDA na ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa espesyal na halalan sa ika-pitong distrito ng Cavite sa Disyembre 5 at 6.

Magsisimula ito mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa Office of the Provincial Election Supervisor (OPES).

Ang special elections ay gaganapin sa Pebrero 25, 2023.

Ayon sa COMELEC, ang tentative list ng mga kandidato ay makikita sa kanilang website at sa website ng OPES simula December 8 upang matukoy ang mga pangalang lalabas sa opisyal na balota.

Hanggang Disyembre 9 naman ang pagtatama ng pangalan habang ang substitution para sa mga kandidationg namatay, na-disqualify o nag-withdraw ng kanilang COC ay hanggang December 15 na lamang.

Sinabi naman ng poll body na walang espesyal na halalan na gaganapin kung mayroong isang kandidato na kuwalipikado para sa posisyon.