FILIPINA DIPLOMAT NA MAY COVID, MAAYOS NA ANG KALAGAYAN –DFA

Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin

TINIYAK ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nasa maa­yos na kalagayan na ang babaeng diplomat mula sa Philippine mission to the United Nations na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 .

Ayon kay Locsin, nakausap niya si Philipines acting UN Ambassador Kira Azucena at siyang nagsabi na sinusunod ng pasyente ang abiso at payo ng doktor nito.

“The infected is doing well; she’s young, spritely, smart and taking some doctor prescribed meds. Thank you. I just talked to Kira,” base sa twitter account ng kalihim.

Bilang patunay umano na maayos na ang kalagayan ng diplomat ay nagdiwang pa ito ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga kaibigan at nagmula pa sa Florida.

Nauna nang  sinabi ni Azucena na ang Philippine mission ay naka-lockdown at lahat ng personnel dito ay pinayuhan na mag- self quarantine at magpatingin sa doktor sa sandaling magkaroon ng sintomas ng nasabing virus.

Ito ay dahil ang may sakit umanong diplomat ay huling nagtungo sa UN headquarters noong Lunes kung saan inabot ito ng isa at kalahating oras noong wala pang sintomas .

Martes lamang umano ng makaramdam flu like symptoms  ang diplomat na kaagad na bumisita sa kanyang doktor at nagpositibo ito sa COVID-19. VICKY CERVALES

Comments are closed.