CALIFORNIA – PATAY ang isang Filipina tourist makaraang masagasaan ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa California, USA.
Kinilala ito na si Marianne Natividad, 48-anyos, na bumisita lamang sa kaanak mula sa Dubai, United Arab Emirates, nang una itong mabundol ng isang sports utility vehicle.
Bagaman tumigil, hindi naman umano tinulungan ng driver ng SUV si Natividad dahilan para masagasaan ito ng pangalawang sasakyan.
Kinilala ang SUV driver na si Delilah Paray, 65-anyos, isa ring Pinay na ngayon ay nakakulong na sa California Police.
Wala pang charges na ipinapasa ang pulis sa ikalawang driver na nakasagasa kay Natividad.
Samantala, isang fundraising campaign ang inilunsad sa California para maibalik ang labi ni Natividad sa Dubai. AIMEE ANOC
Comments are closed.