(Filipinas ‘di makapaghain ng protesta) MISSILE TEST FIRE NG CHINA HINDI MA-VALIDATE

Missile test fire

MALABONG makapag­hain ng diplomatic protest ang Filipinas laban sa China sa isyung testing para sa missile firing ng China sa may West Philippine Sea.

Ito ay dahil walang kakayahan ang bansa na ma-verify ang ulat na pinalabas ng Pentagon.

Una rito, sinabi ng Pentagon na nakababahala raw ang nasabing missile launch at taliwas ito sa ipinangako ng Beijing na hindi umano nito isasailalim sa militarisasyon ang mga teritoryo sa nasabing karagatan.

Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanila pang aalamin ang nasabing hakbang.

“We are trying to ve­rify it but unfortunately we do not have the capability to verify it on our own the only information that we know that there was missile firing was from the news coming from the US,” ayon kay Lorenzana.

Sa pahayag ng China defense Ministry, nagsagawa lamang daw sila ng routine drills sa naturang lugar at nataong kasama sa aktibidad ang pagpapaputok ng live ammunition. VERLIN RUIZ

Comments are closed.