FILIPINAS KABILANG SA “SAFEST COUNTRIES IN THE WORLD”

pulis

POSITIBONG tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang resulta ng US-based Gallup Poll survey na isa ang Filipinas sa pinakaligtas na bansa sa buong mundo pagdating sa kumpiyansa ng mga mamamayan sa Police at law enforcement agencies.

Sa text message ni Cascolan sa media, sinabi nito na dahil sinusunod ng 219,000 policemen ang “Pulis Ko’y Responsable, Respetado at Disiplinado” strategy kung bakit maayos ang serbisyo sa publiko.

Dagdag pa ng PNP Chief, hindi ito nakapagtataka dahil alam ng liderato ng PNP kung paano gabayan at disiplinahin ang kanilang mga tauhan.

Aniya, ipinatutupad ng PNP ang 9-point agenda na sumusunod sa tatlong pangunahing direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na paglaban sa korupsiyon, pagsugpo ng ilegal na droga at pagtataguyod sa law and order.

“Our PNP knows how to lead mentor and discipline his people, we have 9-point agenda that follows the three directives of the President versus corruption, fight illegal drugs and follow the rule of law.  We also have Enhanced Managing Police Operation (EMPO) that guides our personnel in their day to day operations,” ayon kay Cascolan.

Bukod dito,  mayroon din sinusunod ang mga pulis na manual kaugnay sa  “Enhanced Management of Police Operations” na itinuturing na biblia ng PNP.

Sa resulta ng Gallup Poll, nasa 84 ang Filipinas sa law and order index na kahanay ng  mga bansang Australia, New Zealand, Poland at Serbia.

Ang Estados Unidos naman ay nasa 85 habang ang nangunang bansa na pinakaligtas ay ang Singapore na nakakuha ng 97.

Ang Afghanistan ang itinuturing naman na least safe na nasa ranggo na 43. EUNICE C.

Comments are closed.