FILIPINAS MAG-AANGKAT NG 35,000 METRIC TONS NG PULANG SIBUYAS

PULANG SIBUYAS-2

MAG-AANGKAT ang Filipinas ng 35,000 metric tons ng pulang sibuyas hanggang mid-February para matakpan ang production gap na katumbas ng dalawang buwan, ayon sa Department of Agriculture (DA) kamakailan.

“May gap of two months requirement so hindi pa sapat ‘yung production. That’s why we need to bring in… We’ll be bringing in for two months equivalent to 35,000 metric tons,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar sa isang panayam, sabay diin na nakapag-isyu na ng import clearance.

“These red onions can only be brought in up until mid-February so that it will not be in competition with the main harvest time starting March,” dagdag niya.

Isa sa mga pag-aangkatan ay ang China, ayon sa kanya.

Sa tanong kung mayroon bang production gap, sinabi ng hepe ng Agriculture: “It has been historically low production that’s why we need to use more new technologies to increase production.”

Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, nag-aani ang mga magsasaka ng dilaw o puting sibuyas noong huling ar-aw ng Enero at ang pulang klase sa u­nang araw ng Marso.

Siniguro niya ang mga konsyumer na magkakaroon ng sapat na supply para sa buong taon, na may 208,448 metric tons ng pu-lang sibuyas na inaasahang aanihin sa Marso.

Dagdag ni Cayanan, na ang DA ay may pagsisikap na magbigay ng cold storage facilities sa mga mag-sasaka ng sibuyas dahil iisa lamang ang farming season para sa pananim na ito na tatagal lamang ng anim hanggang pitong buwan.

Comments are closed.