FILIPINAS PINAALALAHANAN NG US DEFENSE DEPARTMENT

Randall Schriver

PINAALALAHANAN  ni Randall Schriver, US assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs ang Filipinas hinggil sa plano ng Department of National Defense – Armed Forces of the Philippines sa plano nitong pagbili ng mga big ticket item sa Russia gaya ng USSR  submarines.

Ayon kay Schriver, dapat na pag-isipan itong mabuti ng mga opisyales ng Duterte administration.

“If they would have proceed  purchasing major Russian equipment, I don’t think that is a helpful thing to the alliance and ultimately I think we can be a better partner than the Russians can be the Philippine people,” ani Schiver sa ginanap na round table discussion kahapon sa US Embassy sa Manila.

Nilinaw pa ng US Defense Department official, oras na bumili ang Filipinas ng weapons systems partikular na ang gaya ng  major platforms ay hindi ka lamang bumibili ng dagdag puwersa o kapasidad kundi  nag-i-invest ka rin ng relationship.

Sakaling kung mga sandata umano o kagamitan na magmumula sa US ay mapapatuloy ang interoperability ng dalawang magkaalyadong bansa at higit pa umanong malilinang ang abilidad nila na magsagawa ng operation sa lahat ng uri ng scenarios.

Nabatid na nakausap  ng nasabing opisyal ang ilang pinuno ng bansa kabilang na si Defense Sec. Delfin Lorenzana kung saan ay natalakay nila ang mga bagay na may kaugnayan sa regional security issues, bilateral relations, ang kanilang alyansa at kung paano pa higit na masusuportahan ang Fi­lipinas.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.