FILIPINO AT FOREIGN ARTISTS NAGTIPON PARA SA KAPAYAPAAN

Asia Pacific Art Painters United Inc

NAGING matagumpay ang idinaos na 2nd Asia Pacific International Painting and Calligraphy Exhibition sa Museo ng Sining sa GSIS Bldg. sa lungsod ng Pasay.

Nagtapos kahapon ang dalawang araw na exhibition ng mga batikang  alagad ng sining sa pa­ngunguna ni Ms. Ligaya ‘Jing’ Banawan, MPA-Vice Chairman (Internal) Asia Pacific Art Painters United Inc. (APAPUI), iba pang Filipino artists at  mga da­yuhang artists.

Nagtipon  ang mga  artists mula sa USA, China, Australia, Hong Kong, Sweden, Turkey at Macau upang ibahagi ang kanilang mga mensahe  ng kapayapaan at inspirasyon sa pamamagitan ng pagguhit.

Naging panau­hing tagapagsalita sa pagbubukas ng exhibition  si  Bagong Nayong Pilipino  Executive Director Maria Fema Duterte na nagpahayag ng pagkakaisa  ng bansa sa pamamagitan ng art painting at calligraphy.

Binigyang diin pa ni Duterte na ang Filipinas ang may malawak  at magagandang scripts na dapat na matutunan ng  mga tao. Darating din umano ang araw na ituturo ang calligraphy sa mga paaralan sa buong mundo kasama ng  asignatura katulad ng arts, craft and drawing.

“Our message for the exhibition is that we want to tell all that art is for the sake of peace and prosperity in our country,” dagdag pa ni Duterte.

Dumalo rin sa pag­titipon sina Princess Jaz­mine Cainglet Roa, Mr.  and Mrs. Alex Tan, Mr. and Mrs. Loyd Orosa,  Mr. and Mrs. Manny Pacaldo, Baby Go, Mark Louis Mabasa, Director Liz Villasenor, Osec PCOO George Apacible,  Swedish Ambassador, Deputy Ambassador of Sweden Lennart Jansson  at kabiyak nitong si Barbara Jansson, at Heart Evangelista.

Ito ay sa pagtataguyod ng Asia Pacific Art Painters United Association Inc.  at sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Director  Dante Gierran at Government Service Insurance System (GSIS) Museo.     SCA

Comments are closed.