MULING nagtipon tipon ang mga kasapi ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) nitong nakalipas na linggo upang maghalal ng kanilang bagong pamunuan.
Layunin nito na higit pang mapaunlad ang larangang pagtitinapay, bakery business at cake making industry sa Pilipinas bukod higit pang pagpapatatag ng kanilang samahan.
Saksi si dating Manila Mayor Isko Moreno bilang panauhing pandangal ay pinanumpa ni Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Dr. Cecilio K. Pedro ang mga bagong pinuno ng FCBAI sa Manila Hotel na kinabibilangan nina President Chris Ah, EVP Wilson Lee Flores, First VP Jerry Medel, 2nd VP Chris Ong, Director Tristan Lim-Kit,
Pinalitan ni Presidente Chris Ah si Gerik Chua ng sikat na Eng Bee Tin Bake shop. Ang FCBAI ay isa sa affiliate business organizations na nasa ilalim ng FFCCCII.
VERLIN RUIZ