MAGSASAGAWA ng “Lakad Magkaibigan” na inisyatibo ng mga Filipino Chinese communities na pangungunahan ng mga kasapi sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa lungsod ng Maynila sa June 9, Linggo bilang bahagi ng pakikiisa ng mga ito sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng bansa ngayong Hunyo.
Binigyang diin ni FFCCCII President Dr.Cecilo K. Pedro sa press conference kamakailan sa Luxent Hotel, na may lahing “Chinese” man aniya sila ay nais nilang patunayan na pusong Pinoy sila na may pagmamahal sa kanilang tinubuang bayang Pilipinas.
“Our walk today brought together participants from different sectors of the Filipino-Chinese community, the major business and civic organizations, barangays, colleges, and schools. This occasion is a shared celebration of our Philippine Independence Day, aimed at expressing our love for our country and fostering patriotism among our citizens.Dugong Tsino, Pusong Pinoy. Ang aming puso ay para sa Pilipinas, at itong ‘Lakad Magkaibigan’ ay bilang pakikiisa sa ating mga kababayan sa paggunita ng Araw ng Kalayaan. Sama-sama nating itaguyod ang ating bansang Pilipinas (Dugong Tsino, Pusong Pinoy. Our hearts are for the Philippines, and this ‘Lakad Magkaibigan’ is our way of standing in solidarity with our fellow Filipinos in commemorating Independence Day. Together, let’s promote our beloved country, the Philippines),” sabi ni Pedro.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng pagpapakita ng pakikiisa ng Filipino -Chinese community sa bansa bilang pagpapakita na Filipino man o Filipino-Chinese ay magkakaibigan. Ito ay sa gitna ng umiigting na sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Inaasahan ni Pedro na aabot sa 5,000 ang kasapi ng iba’t ibang Filipino-Chinese communities at civil society ang lalahok sa naturang kaganapan. Noong June 9, 1975, ang “Filipino-Chinese Friendship Day” ay nilagdaan ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ang yumao na rin na si Chinese Prime Minister Zhou Enlai sa Beijing, China. Ito rin ang nagbigay daan upang maitatag ang official diplomatic relations sa pagitan ng Republic of the Philippines at People’s Republic of China (PROC).
Magsisimula ang “Lakad Magkaibigan “ ng 5 a.m. mula sa Binondo Intramuros Bridge sa Binondo, Manila, at magtatagpo ng isa pang grupo sa Bonifacio at Katipunan Revolution Shrine in Padre Burgos Avenue, Manila.
Kabilang sa isasagawang aktibidad ng FFCCCII sa naturang event ay ang ang wreath laying bilang paggunita sa kadakilaan at kabayanihan ng mga rebolusyonaryong PIlipino sa pangunguna ng may dugong Chinese na si Dr. Jose Rizal. Kabilang ang Chinese immigrant na si General Jose Ignacio Pau na naging isa sa rebolusyonaryong katuwang ang mga Pilipino at Filipino -Chinese guerillas na nakipagbaka para sa kalayaan ng bansa mula sa mga mananakop noong panahon ng Kastila hanggang sa panahon ng Hapon noong World War II.
Magkakaroon din ng kahalintulad na aktibidad sa Bacolod City,Tacloban Cebu City, at Palawan.
Inaasahan ding lalahok ang Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation (FCAAF), ang Manila City government, at Philippine Sports Commission (PSC). Ma. Luisa Macabuhay-Garcia