FILIPINO CHINESE TULOY SA PAG-INVEST SA PINAS

Henry Lim Bon Liong

NANANATILING  positibo ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII)  sa paglago ng ekonomiya  para sa bansa  ngayong taon mula sa 6.5 porsiyento  hanggang sa 7.5 porsiyento, sa kabila ng  mga isyung bumabalot sa  kinatatakutang novel coronavirus.

Ayon kay FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong, umaasa ang kanilang hanay na matatapos na ang problemang dulot ng nCoV sa China at sa buong mundo, katulad ng  nangyari sa pagkalat ng SARS noong 2003,  at  tuluyang makabawing muli ang ekonomiya sa Asya.

“Many entrepreneurs of the Filipino Chinese community have faith in the vast potentials  and resilience  of the Philippine economy, and we shall continue to invest  and reinvest due to the country’s good long -term potentials, regardless of this hopefully short-term coronavirus problem,” ang pahayag ni Lim.

Sinabi nito na ang  mga negosyanteng Filipino Chinese ay  matagal nang investors  at marami nang pagsubok na nalampasan sa Filipinas.

“Let us never be complacent due to our yearly positive economic growth. The FFCCCII urges all sectors to work harder and smarter, be resilient and creative, adapt and innovate, in order to sustain  the positive momentum of Philippine development regardless of various challenges,” dagdag pa  ni Lim na siya ring chief executive officer ng Sterling Paper Group of Companies, SL Agritech at iba pang kompanya.

Giit pa ni Dr.  Lim na upang   mapalakas  ang Philippine economy at makaakit ng mga imbestor ay hinimok  nito ang Kongreso na  mabilis na ipasa ang  nakabinbing CITIRA o ang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act.

Pabababain ng panukalang batas na ito  ng mula 30% tungo sa 20%  ang corporate income tax  sa loob ng 10 taon,  na mas kaaakit-akit sa mga  dayuhang mamumuhunan.

Samantala, pinasalamatan din ng FFCCCII si Pangulong Duterte sa malasakit nito sa mga Chinese na nasa Filipinas.

Matatandaang nanawagan si Duterte na iwasan na ang xenophia attacks sa mga Chinese na nasa bansa dahil hindi ito makatutulong.

Comments are closed.