FILIPINO CITIZENS AGARANG PINALILIKAS SA LEBANON

MARIING pinapayuhan ng Philippine Embassy in Lebanon ang lahat ng mga Pilipino na agad lumikas habang bukas pa ang paliparan.

“We advise all Filipino nationals to prioritize their safety and depart the country as soon as possible” ayon sa advisory ng embahada nitong Sabado.

“If you are unable to leave Lebanon, we strongly recommend that you evacuate to safer areas outside of Beirut, South Lebanon, and the Bekaa Valley,” dagdag pa ng embahada.

Samantala, narito ang mga dapat gawin para sa Tulong sa Repatriation:

– Mangyaring punan ang repatriation form sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/2024Repatriation

– Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero para sa karagdagang tulong:

– Para sa lahat ng OFW(documented or undocumented): +961 79110729

Para sa OFs (Dependents with Permanent Resident Status, i.e., wife iqama): +961 70858086

“Ang inyong kaligtasan at seguridad ang aming pangunahing prayoridad. Mangyaring kumilos agad at sundin ang mga nabanggit na tagubilin upang matiyak ang inyong kaligtasan.”

RUBEN FUENTES