(Filipino community pinaiwas sa komento) CHINA RUMESBAK SA PAKIKIALAM NG US SA HONG KONG

BEIJING

BEIJING – DISMAYADO ang China sa ginawang pagsuporta ng Estados Unidos sa pro-democracy movement sa Hong Kong kaya naman inanunsiyo nito ang kanilang parusa sa mga non-governmental organization ay sinuspinde ang planong pagbisita ng US warship at aircraft sa kanilang katubigan.

Nagpapatuloy ang kaguluhan sa Hong Kong na nagsimula noong Abril dahil sa extradition bill.

Dahil sa panibagong isyu na kinasangkutan naman ng US, nagbabala ang awtoridad sa mga foreign worker kasama na ang mga Filipino na iwasan ang magkomento hinggil sa nasabing usapin.

Kabilang sa sanctions na inilatag ng China ay ang mga NGO gaya ng National Endowment for Democracy, Human Rights Watch and Freedom House.

Ayon pa sa China, na dapat ikorek ng US ang kanilang pagkakamali at panghihimasok sa Hong Kong affairs at sa China’s internal affairs. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.