FILIPINO COMMUNITY SA SINGAPORE NAG-AABANG DIN SA TRUMP-KIM TALKS

SINGAPORE

SINGAPORE – MAGING ang mga Pinoy lalo na ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na updated sa social media ay nag-aabang din sa nakatakdang pag-uusap nina United States of America President Donald Trump at North Korea Supreme Leader Kim Jong Un.

Ang pag-uusap ng US-North Korean Summit ay nakatakda sa Hunyo 12 kaya naman puspusan na ang mga preparasyong ginagawa ng Singaporean authorities  para matiyak ang seguridad sa nalalapit na pagpupulong ng dalawang lider.

Ayon kay Singaporean Defense Minister Dr. Ng Eng Hen – magiging ‘good host’ ang kanilang bansa sa makasaysayang summit.

Lubos namang nagpasalamat ang mga Defense Minister ng Washington at South Korea sa pagpayag ng Singapore na maging host sa pulong ng dalawang lider. EUNICE C.

Comments are closed.