SLOVAKIA – LIBONG katao na pawang Slovaks ang nag-rally sa Bratislava upang kondenahin ang pagpaslang sa Filipino ng umano’y neo-Nazi.
Ang rally ay bahagi rin ng pagbibigay pugay sa biktimang si Henry Acorda, 36-anyos, na ginulpi hanggang mamatay sa nasabing lugar noong Mayo 28.
Isang Juraj H. naman ang lilitisin sa pagkamatay ni Acorda.
Nabatid na limang araw inobserbahan at pilit na ginamot si Acorda sa ospital subalit nasawi rin.
Sinabi ng local newspaper na Dennik N, batay sa ulat ng organizers na aabot sa 3,000 ang nag-rally sa kamatayan ni Acorda.
Bitbit ang banner na nakasaad ang “Justice for Henry” at “Nazi brain burn in hell”, labis ang pagdadalamhati ng mga ito.
Batay sa CCTV footage, pinagpapalo ng suspek si Acorda, hanggang bumagsak at patuloy na pinalo ng suspek sa ulo ang biktima.
Kasong manslaughter ang kinakaharap ni Juraj H. at ito ay nakakulong na. EUNICE C.
Comments are closed.