FILIPINO FARMERS HINIMOK NA GUMAMIT NG HEAT-TOLERANT NA BIGAS

HINIKAYAT  ng eksperto ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang mga magsasaka na pag-aralan ang pagtatanim ng rice varieties na heat-tolerant o maaaring itanim sa panahong nakararanas ang bansa ng tagtuyot dulot ng kasalukuyang El Nino phenomenon na puminsala sa mga produkto ng agrikultura sa bansa.

“The country’s first high-temperature-tolerant rice seeds, NSIC Rc 600 and 602, display exceptional traits crucial for resilience in high-temperature conditions. These can withstand temperatures up to 37°C and even up to 38°C in controlled environments like glasshouses,” ayon kay Career scientist Norvie L. Manigbas.

Ayon kay Manigbas, panahon na upang subukan ng mga magsasaka ang pagtatanim ng mga naturang rice varieties na kayang mag adapt maging sa dry spell.

Paliwanag ni Manigbas, may datos sa isang pag-aaral na sa loob ng 50 taon nakita ang patuloy na pagtaas ng temperatura ng panahon ng 1-2°C, at inaasahan itong magpapatuloy lalo na sa mga susunod na panahon. Kung kaya mas lalong kinakailangan na matuto na ang mga PIlipinong magsasaka na magtanim na ng rice varities na NSIC Rc 600 at 602 dahil kaya aniyang mabuhay ng mga pananim na ito kahit sa init ng temperatura na 38°C, upang masiguro ang seguridad ng pagkain ng bansa.

Ang NSIC Rc 600, kahit sa matinding heat stress, ay maaari umanong makapag-ani ang mga magsasaka ng 6.3 kada ektarya. Sa normal na condition naman ang yield nito ay sa pagitan naman ng 6.5-7t kada ektarya.” It matures in 110 days and exhibits resistance to both deadheart and whitehead. On the other hand, NSIC Rc 602 yields 6.2t/ha, matures in 109 days, and shows resistance to whitehead. These varieties demonstrate intermediate resistance to blast, bacterial leaf blight, sheath blight, brown planthopper, and green leafhopper,”ani Manigbas.

Bukas ang PhilRice’s Business Development Division sa mga magsasakang interesado matuto magtanim ng mga heat resistant na rice varieties na ito.

Payo ni Manigbas, maaaring magtungo ang mga interesadong magsasaka sa kanilang tanggapan para sa testing ng varieties o magtanong tungkol dito.

Patuloy na pagpapaliwanag ni Manigbas ang heat stress ay nagdudulot ng discoloration sa mga dahon ng bigas o gulay o anumang halaman, nagiging dahilan ng |” accelerated growth,” at pagbabawas ng produksyon.

“Temperatures exceeding 35°C during the reproductive stage can lead to yield reductions starting at 14%, escalating to 14-20% as temperatures rise further,” dagdag ni Manigbas.

Inilahad ni Manigbas na ang kanilang pananaliksik sa mga ganitong uri ng rice varities na pwedeng mabuhay sa init ng panahon ay may suporta naman ng Institute for Agro-Environmental Sciences of the National Agriculture and Food Research Organization sa Tsukuba, Japan.

Sa kasalukuyan, ang PhilRice ay patuloy na nagsasagawa ng testing ng mga high breeding na materyales para sa high-temperature tolerance. “The flowering stage of these materials is planned between April 15 and May 15, a period typically experiencing the highest temperatures during the dry season based on 15 years of weather data,”inilahad ng Philrice sa isang statement.

“The development of high-temperature-tolerant seed varieties is a meticulous process involving years of breeding and testing. Researchers evaluate various characteristics, including grain filling, fertility, and resistance to pests and diseases, to ensure the viability and effectiveness of the selected varieties,” sabi ni Manigbas.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia