MANDALUYONG CITY – MANGANGAILANGAN ng Filipino workers ang Israel at Saudi Arabia.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Undersecretary Bernard Olalia na ipinaalam na ng Israel sa Filipinas na nangangailangan sila ng mga manggagawa na sangkot sa tourism industry at mas nais nila na mga Filipino ito.
Inanunsiyo rin ng POEA na sa Oktubre ay maaari nang mag-apply para maging hotel staff sa Israel.
Tiniyak din ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makaka-comply ang Filipinas sa pangangailangan ng Israel dahil mahuhusay bilang manggagawa ang mga Filipino.
“Kung mas kaya nilang mag-pa-assess ng mas maraming National Certificate Level 2 much better para at least yung mga employer mas masaya sila kung mas maraming kayang gawin ‘yung ating employee,” ayon sa TESDA.
Bukod sa Israel, kailangan din ng mga nurse ng the Kingdom of Saudi Arabia.
Sa ulat, nasa 1,000 female nurses ang kailangan ng Ministry of Health sa Saudi Arabia na may sweldo na P60,000, hindi pa kasama ang benepisyo gaya ng free fare at accommodation, at iba pang perks. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.