FILIPINO LIGTAS KAY TYPHOON JEBI

TYPHOON JEBI

JAPAN – TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nabiktima sa pagtama ng Typhoon Jebi sa bansang ito.

Ang Typhoon Jebi ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Japan sa loob ng 25 taon.

“The Philippine Embassy in Tokyo and the Philippine Consulate General in Osaka have not received any reports of Filipinos being among the 10 fa-talities and 300 injured in the aftermath of the typhoon,” ayon sa statement ng DFA.

Tiniyak din ng DFA  na patuloy ang kanilang monitoring sa may 280,000 Filipinos na nasa Japan ngayon.

Samantala, kinansela na ng Kansai International Airport ang mga flight ng iba’t ibang commercial airline sa nasabing paliparan.

Habang nag-alok na rin ng assistance ang Philippine Embassy sa Tokyo at Philippine Consulate General sa Osaka sa mga naapektuhang Pinoy at maaaring tumawag sa +8180 4928 7979 and +8190 4036 7984. EUNICE C.