FILIPINO LIGTAS SA 5.8 MAGNITUDE QUAKE SA IRAN

lindol iran

PASAY CITY – WALANG Filipino na nabiktima sa 5.8 magnitude quake sa Iran, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“So far, there is no report of Filipinos among those affected by the deadly earthquake,”  ayon sa statement ng kagawaran.

Tiniyak pa ng ahensiya na nakipag-ugnayan na sila sa Filipino community sa Tabriz City sa Iran kung may nadisgrasya sa 32 Filipinos na nakatira sa lugar.

Batay sa ulat, anim katao ang nasawi habang mahigit 300 ang sugatan sa tumamang kalamidad sa nasabing bansa.

Sa record ng US Geological Survey, naitala ang magnitude 5.8 quake sa southwest ng Ardabil sa East Azerbaijan province.

Kasunod niyon ang 60 aftershocks na nagdulot ng panic sa mga residente sa lugar. EUNICE C.

Comments are closed.