CAMP AGUINALDO – NASA kultura umano ng ilang kapatid na Muslim ang maghurumentado o mag-suicide kaya hindi imposibleng magkaroon ng Filipino Muslim na suicide bomber.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, maraming tao kasama na siya ang naniniwala na walang kakayahan ang mga Filipino Muslim na maging isang suicide bomber.
Dahil sa isyu na isa umano sa dalawang hinihinalang suicide bomber na nasa likod ng pagpapasabog sa isang military camp kamakailan ay Filipino, ay inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa security operation ng militar kung mapapatunayang mayroong Filipino na kayang maging suicide bombers.
Nabatid na isasalang sa DNA test ang labi ng isang sinasabing Filipino suicide bombers at ang nagpakilalang pamilya nito na kumuha sa kanyang labi sa morge ng Teodulo Bautista Memorial Hospital nitong nakalipas na linggo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.