FILIPINO NURSE NA SINAKSAK NG ARAB PATIENT PINARANGALAN

Rolando-Mina

SAUDI ARABIA – KINILALA ang kabayanihan ng isang Filipino nurse na apat na beses na sinaksak ng pasyente noong isang buwan.

Si Rolando Mina ay kasalukuyan pang ginagamot  dahil sa natamong sugat mula sa Arabo na pasyente na nagalit dahil nais agad bigyan ng gamot noon.

Ang director ng Madinah Health Affairs na si Abduhameed Al-Sobahi ang nag-abot ng regalo kay Mina na ipinabigay ni Emir of Madihan Prince Faisal Bin Salman.

Sinabi ni Al-Sobahi na sinusundan ng emir ang kaso at maging ang health condition ni Mina.

Sinabi naman ni Dr. Mohsin Janina, medical director ng ospital, na ang ginawa ng emir ay nagpapatunay na pinapahalagahan ang mga healthcare professional sa kanilang bansa kahit ito ay dayuhan.

“The emir’s gesture reflected the great importance attached to healthcare professionals’ safety and well-being,” ayon kay Janina.

Sinabi naman ni Philippine Consul General in Jeddah Edgar Badajos na ang pasyenteng nanaksak ay inaresto at tinawag ang in-sidente bilang “isolated” case.  PMRT

 

Comments are closed.