FILIPINO PINAALALAHANAN LABAN SA VIRUS MULA CHINA

Ebola Virus

SOUTH KOREA – MAIGTING ang paalala ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino worker na mag-ingat sa isang misteryosong virus na sinasabing galing pa ng China.

Sa record, nagkaroon na rin ng natu­rang virus sa Thailand at Japan, mayroon na ring unang kaso ng naturang virus

Sa ulat ng Reuters, sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention (KCDC) ng SoKor na isang Chinese na mula sa Wuhan, China ang nagpositibo sa virus na katulad ng coronavirus.

Umabot na sa mahigit 200 katao ang sinasabing nagkaroon ng naturang virus  mula nang magkaroon ng outbreak sa Wuhan.

Sa naturang bilang ng mga nagkasakit sa China, tatlo na umano ang nasawi. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.