FILIPINO SAUCES BALIK SA US MARKET

MULING sinimulan ng manufacturer ng sikat na Filipino sauces tulad ng Mang Tomas, UFC, at Jufran, ang shipments sa United States makaraang i-reformulate ang mga produkto nito bilang pagtalima sa bagong requirements mula sa US Food and Drug Administration (FDA).

Sa isang statement, nilinaw ng NutriAsia na ang pansamantang paghinto sa shipments ay dahil sa updated regulations na may kinalaman sa Potassium Iodate, isang common food additive.

“In the Philippines, food products are legally required to use Potassium Iodate while the US FDA just very recently announced new requirements around this ingredient,” ayon sa NutriAsia.

“As such, the discussion around Potassium Iodate today is not a safety issue but rather a regulatory requirement which varies by country,” dagdag pa nito.

Gayunman ay iginiit ng kompanya ang commitment nito sa kaligtasan ng mga consumer at sa mabilis na pagsunod sa regulatory changes.

“NutriAsia prioritizes the safety and well-being of our consumers and will always immediately comply to regulatory changes,” dagdag pa ng NutriAsia.

Ang reformulated sauces ay available na ngayon para sa US consumers, tinitiyak ang patuloy na access sa Filipino culinary staples tulad ng Mang Tomas lechon sauce at UFC at Jufran banana ketchup.