KASABAY ng pagtitiyak na suportado ang Filipino scientists, hinimok din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ito na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para sa kanilang inobasyon na magiging daan para sa pagsulong ng bansa.
“You may always be assured that I and my administration will extend all support in making science and innovation an instrument of progress and prosperity for the Filipino,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa kanyang talumpati sa pagdalo sa 18th Annual Balik Scientist Program (BSP) Convention na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, kinilala ng Pangulo ang ginagampanan ng mga Filipino scientist at ambag para sa country’s economic recovery at pagharap sa mga hamon dulot ng climate crisis.
“I encourage everyone here present to continue searching for more avenues to work with one another in employing science and innovation for the benefit of our people,” sabi ng Pangulo.
Nakatulong din aniya ang Filipino scientist para ibsan ang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng mga inobasyon na kinailangan ng publiko.
Sa kasalukuyang kondisyon ng bansa, malaki ang naitutulong ng Filipino scientists para sa iba’t ibang pangyayari gaya ng climate change mitigation and adaptation.
Kinilala rin ni Marcos ang critical role ng Department of Science and Technology (DOST) at sa tulong ng paglahok sa Balik Scientists ay umaasang mabibigyan ng pansin ang matatagal nang problema ng bansa.
Kasunod nito ang paghimok pa ng Pangulo sa mga Filipino scientist sa pagpapatupad ng programa para makahanap ng marami pang insentibo upang madagdagan ang kanilang miyembro.
“You must continue to strengthen the implementation of the Balik Scientist Program and find ways to provide more incentives to encourage more Filipino scientists to come back to the country and share their expertise,” dagdag pa ng Pangulo.
Dapat din aniyang mayroong insentibo sa mga magbabalik na scientists.
Kumpiyansa rin ang Punong Ehekutibo na masusustena ng pamahalaan ang short, medium, at long-term benefits para sa Balik scientists at kanilang pamilya na itinakda sa ilalim ng batas.
Mahalaga rin ayon pa sa Pangulo na ang Department of Science and Technology na gumawa ng mga iba pang inisyatibo para makahikayat sa mga kabataan at makatanggap ng grants-in-aid projects.
“Let us also encourage our young people by showing them what a career in science, research and development, in what the work that is being done by Balik scientists and to motivate them and to inspire them, and to explain to them that you can do this too,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ