FILIPINO SEAFARERS APEKTADO SA PAGBAGSAK NG CRUISE INDUSTRY

PINOY SEAFARERS-3

MAYNILA – NANGA­NGAMBA ang ilang seafarers lalo na ang mga on board sa cruise ship na tuluyang maapektuhan ang kanilang hanapbuhay dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay kasunod ng paghina ng industriya dahil mula sa dating 6,000 sumasakay sa cruise ngayon ay halos kalahati na lamang.

Binalot ng takot ang mga nasa cruise industry dahil sa nangyari sa Diamond Princess at Grand Princess na ma­tinding naapektuhan ng nasabing sakit.

Aminado naman ang isang hindi nagpakilalang kitchen steward na dama nila ang epekto ng COVID-19 sa kanilang trabaho.

Mula aniya sa normal na bilang na 6,000 na pasahero ay nasa 3,000 pababa na lang at kung minsan ay halos wala ng laman ang mga cruise kasunod ng takot sa kumakalat na sakit.

Dasal na lamang mga Pinoy na mawala na ang nakamamatay na sakit para makapagpatuloy na sila sa normal na pagtatrabaho. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.