SINASABING nananatiling may tiwala pa rin ang sambayanang Filipino sa ilang mga sangay ng pamahalaan partikular ang Korte Suprema, ayon sa ginawang pag-aaral ng Social Weather Station.
Sa inilabas na resulta ng pag-aaral, sa ikatlong quarter ng taon ay tumaas pa sa “good” ang public satisfaction rating ng Supreme Court kasama ang Mababang Kapulungan at ilang Cabinet level agencies.
Ayon sa survey na inilunsad mula Setyembre 15 hanggang 23, hindi naman nabago ang “good” satisfaction rating ng Senado na umabot sa 62% habang 14% ang hindi kontento at 23% naman ang hindi makapagpasya.
Mula sa “moderate” patungo sa “good” ay naitala ang pag-angat ng hanggang 11-12 points ang satisfaction ratings ng House of Representatives (+36) at ng Supreme Court (+31)
Anim na puntos naman ang itinaas ng Cabinet o mula sa +25 noong Hunyo tungo sa +32 noong Setyembre.
Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults sa buong bansa. VERLIN RUIZ