Ipinagdiriwang sa Pilipinas tuwing Agosto taon-taon ang Buwan ng Wika. Masasabing ito ang pinakaespesyal na okasyon sa bansa, dahil ito ang panahong ipinagmamalaki at pinahahalagahan natin ang ating sariling wika.
Mayaman ang wikang Filipino. Ito ang salamin ng ating pagkakakilanlan. Ito rin ang diwa ng ating kultura.
Sa taong ito, ang tema ang pagdiriwang ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay “Filipino, Wikang Mapaglaya.”
Mahalaga ang papel ng wikang Filipino upang makamit natin ang kalayaan at pagbabago. Ito ay nagpapahiwatig na ang ating wika ay maaaring magdala ng kalayaan at pag-unlad ng ating buhay. Natural lamang bahagi ito ng kasaysayan ng Pilipinas. Isipin na lamang ang mga hirap na dinanas natin Mula pa noong panahon ng Kastila Hanggang sa kasalukuyan. Wika ang naging inspirasyon ng mga Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan. Pinukaw ang ating mga puso ng mga panulat nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at iba pang manunulat sa wikang Tagalog.
Ang wika ay pagkakakilanlan. Hindi lamang ito para sa komunikasyon. Instrumento rin ito ng kalayaan, pagkakaisa, at pag-unlad.
Salamat kay Philippine Commonwealth President Manuel Luis Quezon, ang ‘Ama ng Wikang Pambansa,’ dahil iginiit niyang magkaroon tayo ng Pambansang Wika.
Mayroon tayong 120 to 187 Philippine languages. Bukod diyan, mayroon pa tayong 111 dialects. Ito ang dahilan kung bakit nasakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Divide and conquer. Walang pagkakaisa ang mga Filipino noong unang panahon — marahil, dahil sa language barrier — kaya nagkakanya-kanya. Sa dami ng mga salita, sila mismo ay hindi magkaintindihan. Ito ang indikasyon ng paghahati-hati ng mga rehiyon at kultura sa kabuuan ng tinatayang 7,641 isla sa bansa.
Noong panahon ni Quezon, may apat na pangunahing wikang sinasalita, ang Tagalog, Ilokano, Cebuano, at Kapampangan.
Naging mithiin ni Quezon ang bumuo ng isang pambansang wika upang pagbuklurin ang bansa, kaya naiproklama ang wikang pambansang Pilipino sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 570 noong 1946 na ang batayan at Tagalog. Layon nitong mapangalagaan ang mga katutubong wika sa lahat ng panig ng bansa. Opisyal na idineklara ang Filipino at Ingles bilang mga wikang pambansa sa bisa ng Saligang Batas ng 1987.
Noong una ay Linggo ng Wika lamang ang ating ipinagdiriwang. Ngunit idineklara ni Pangulong Sergio Osmeña na buong buwan dapat ang selebrasyon. Ginugunita ang Linggo ng Wika tuwing ika-7 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril mula 1946 hanggang 1954.
Sa pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay, pinili niyang ipagdiwang ang selebrasyon sa Agosto dahil ang orihinal na Linggo ng Wika ay ginaganap tuwing bakasyon.
Pagkaraan ng ilang taon, ang Linggo ng Wika ay naging Buwan ng Wika dahil sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 at naging opisyal na pagdiriwang ang buong buwan ng Agosto para sa wikang Filipino.
Sa paraang ito, napapalakas ang kamalayan ng mga bata sa wikang Filipino at iba pang katutubong wika.
Sa iba’t ibang aktibidad, mas nauunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng wika bilang instrumento sa komunikasyon, pagkakaisa, at kaunlaran. Naipapakita at naipapahayag din ang yaman ng kultura at kasaysayan ng bansa.
Jayzl Nebre