NAKATAKDANG ihatid ngayong araw sa kanyang huling hantungan ang flight attendant na si Christine Angeline Dacera sa Forest Lake Memorial Park sa General Santos City.
Kasabay nito, siniguro ng Inter Agency Task Force (IATF) na nakatutok sa burol ni Dacera na masusunod ang ipinatutupad na health protocols na layuning maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa katunayan, mismong si Dr. Agripino Dacera, hepe ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) na tiyuhin ni Christine ang nagpatupad ng matinding obserbasyon sa health protocols para bantayan ang mga magsidalaw sa namatay na flight attendant.
Kinumpirma ng hepe ng CDRRMC at miyembro rin ng IATF na sinailalim sa 14 days quarantine ang miyembro ng pamilya Dacera nang dumating sa GenSan.
Gayundin, nang dumalaw umano si Sharon Rose Dacera sa burol ng anak binigyan lamang ito ng 15-minuto kahit bitbit nito ang kanyang negative result ng antigen mula sa Maynila.
At 10-minuto ang binigyang na limit para sa mga kaibigan at mga bisita bukod pa bitbit na QR code at pagsusuot ng face mask at face shield na mahigpit na ipinapatupad.
EUNICE CELARIO
Comments are closed.