(Final tune-up para sa SEAG) 5 PH PUGS SASABAK SA RUSSIA

boxing

BILANG final tune-up para sa 30th Southeast Asian Games, sasabak ang limang Pinoy boxers sa World Boxing Championships sa Russia sa Setyembre 9.

Ayon kay Alliance Boxing Association of the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson, sa torneo sa Russia ay malalaman ang physical at mental preparedness ng mga boksingero sa kanilang medal campaign sa 11-nation SEA Games.

“The event in Russia will determine how far they go and gauge their skills because our ultimate goal is to win many medals and reaffirm our boxing supremacy in the region,” sabi ni Picson sa eksklusibong pana­yam ng PILIPINO  Mirror matapos ang boxing competition sa katatapos na Batang Pinoy National Finals sa Puerto Prin­cesa, Palawan.

Suportado ang kampanya ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, sina Eumir Felix Marcial, Ian Clark Bautista, Carlo Paalam, James Palicte at British-Filipino John Tupaz Marvin ay gagabayan ni head coach Pat Gaspi.

Nanalo si Marvin ng ginto sa una niyang pagsabak sa SEA Games sa Malaysia at determinado ang anak ng Pinay na taga-Pampanga na maide-pensa ang kanyang korona sa biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Samantala, tutungo rin ang apat na women boxers, sa pangunguna nina Josie Gabuco at Nesthy Petecio, sa Russia sa Oktubre para lumahok sa World Women Boxing.

Si Gabuco, tubong Puerto Princesa, ay beterano ng World Women Boxing at medalist sa Asian Indoor Games at SEA Games.

Ang boxing ay consistent winner sa SEA Games at umaasa si Picson na  muling madodominahan ng mga Pinoy ang isport.

Nang tanungin ang mahigpit na makakalaban ng mga Pinoy,  ang Thailand ang isinagot ni Picson.

“The Thais are our bitter rivals not only in the SEA Games but also in other international boxing competitions. I am expecting another exciting and interesting match-up against the Thais,” aniya.

Ang boxing ay kasama sa mahigit 10 combat sports na lalaruin sa SEA Games. CLYDE MARIANO

Comments are closed.