FINALS ASAM NG GINEBRA

Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)

7:30 p.m. – Ginebra vs Meralco

(Game 6, best-of-7 semifinal series)

TAPUSIN na kaya ng Barangay Ginebra ang serye? O makahirit ang Meralco ng deciding Game 7?

Determinado ang Gin Kings na maisaayos ang titular showdown sa sister team San Miguel Beer ngayong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum, subalit hindi basta susuko ang Bolts at gagawin ang lahat para dalhin ang serye sa sudden death sa San Jose, Batangas sa Biyernes.

“It’s not over,” wika ni  Meralco coach Luigi Trillo, tiwala na ibubuhos ng kanyang tropa ang kanilang lakas upang maipuwersa ang do-or-die game laban sa Gin Kings sa kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven semifinal showdown.

Nakatakda ang Game 6 sa alas-7:30 ng gabi sa  Big Dome kung saan determinado ang Kings na tapusin doon ang serye.

“I’m sorry to the fans in Batangas but if we don’t see them, Id’ be very, very happy,” sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.

Hindi na kailangang sabihin, umaasa ang Gin Kings na tapusin ang serye sa lalong madaling panahon upang makapagpahinga at makapaghanda nang husto para sa title showdown sa Beermen.

Siyempre ay batid nilang hindi ito magiging madali, lalo na laban sa kanilang old rivals sa kanilang sariling hindi matitinag na fighting spirit.

“We believe in our guys. We’ll bounce back. We have a day or two to prepare so we’ll get ready for that Game 6,” ani Trillo.

“Clearly, we knew from the start this is not going to be easy. There’s going to be some painful things in a series. This is painful but it’s not over,” sabi pa ni Trillo matapos ang  84-89 Game 5 loss na nagbigay sa Kings ng 3-2 series lead.

“Focus lang kami sa next game, we’ll regroup, (consultant) coach Nenad (Vucinic), we (coaching staff) will look at the video and we’ll see what we can improve on pa.”

Sinabi ni Trillo na maganda ang nilalaro ng kanyang tropa  “but we need to finish it.” Sa huli ay tumukod ang Bolts matapos ang magandang simula sa Games 2 at 3.

Para sa Kings, ang malaking salik sa huling dalawang laro ay ang malaking tulong ng kanilang  core players na sina Christian Standhardinger, Scottie Thompson, LA Tenorio, Japeth Aguilar at Stanley Pringle.

CLYDE MARIANO