FINALS TARGET NG ACES

ACES-3

Laro ngayon:

(Cuneta Astrodome)

6:30 p.m. – Alaska vs Meralco

(Game 4, Alaska abante sa 2-1)

SISIKAPIN ng Alaska na umusad sa finals ng PBA Governors’ Cup sa muling pagsagupa sa Meralco sa Game 4 ng kanilang best-of-5 semifinals series ngayon sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 2-1 bentahe matapos manalo sa Game 3, 104-102, kamakalawa, haharapin ng Aces ang Bolts sa alas-7 ng gabi.

Ang burden ay nasa Bolts at kaila­ngan nilang palakasin ang kanilang boltahe at sunugin ang Aces para manatiling buhay ang kanilang title campaign.

Inaasahang sasamantalahin ni Alaska coach Alex Compton ang momentum upang tapusin na ang serye.

“We will exploit the advantage to the hilt to end the series. I instructed my players to play another A-1 game one more time and rest for a while,” sabi ni Compton.

Hanggang ngayon ay mailap pa rin ang ti­tulo kay Compton mula nang hirangin ni team owner Wilfred Steven Uytengsu bilang kapalit ni Tim Cone.

Muling pangungunahan ni  Mike Harris ang opensiba ng Alaska laban kay Allen Durham at umaasa si Compton na muling puputok ang kanyang prized import tungo sa finals.

Na-outshoot ni Durham si Harris, 37-31, subalit tinalo ito ni Harris sa rebounds, 24-13.

Nakahandang umalalay kay Harris ang mga top gunner na sina JV Casio, Vic Manuel, Simon Enciso, Kevin Racal, Chris Banchero, Chris Exciminiano at Sonny Thoss.

Bukod sa opensiba, pangangasiwaan din ng 6’6 na si Thoss ang shaded area at pipigilan ang Bolts na maka-penetrate, kasama si Harris at ang frontrunners ni Compton ang mangunguna sa scoring.

Makakatuwang naman ni Durham sina three-point specialist Baser Amer, Reynel Hugnatan, Chris Newsome, Nico Salva, Jared Dillinger, Mike Tolomia, Antonio Jose Caram at Garvo ­Lanete. CLYDE MARIANO

Comments are closed.