Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Coliseum)
10 a.m. – UST vs KMS (girls)
12:30 p.m. – NU vs La Salle-Lipa (girls)
3 p.m. – Angataleta-Orion, Bataan vs VNS-Savouge (boys)
5:30 p.m. – Umingan, Pangasinan vs Canossa Academy (boys)
ITATAYA ng University of Santo Tomas, National University, Angatleta-Orion (Bataan) at Umingan (Pangasinan) ang kanilang malinis na kartada sa magkakahiwalay na laro sa knockout semifinals ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 boys and girls championships ngayong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatutok ang lahat sa Junior Golden Tigresses at Lady Bullpups sa girls’ play habang pangungunahan ng Orion at Umingan ang boys’ action sa hangarin na maisaayos ang championship duels sa Linggo.
Makakaharap ng UST ang Kings’ Montessori School sa alas-10 ng umaga, makakasagupa ng NU ang La Salle-Lipa sa alas-12:30 ng hapon, makakabangga ng Orion ang VNS-Savouge sa alas-3 ng hapon at makakalaban ng Umingan ang Canossa Academy of Lipa City sa alas-5:30 ng hapon sa semifinals ng annual tournament na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation na pinamumunuan ni Ramon “Tats” Suzara.
Ang mga estuadyante ng mga eskuwelahan na sasabak sa semifinals ngayong Biyernes, sa classification matches sa Sabado at sa finals sa Linggo ay makakapanood ng mga laro nang libre — ipakita lamang ang kanilang school ID cards.
Ang Junior Golden Tigresses at Lady Bulldogs ay magaan na umabante sa girls’ competition. Sinibak ng UST ang Canossa Academy, 25-13, 25-15, 25-12, habang dinispatsa ng NU ang kapwa University Athletic Association of the Philippines bet La Salle-Zobel, 25-18, 25-16, 25-17.
Nadominahan naman ng Orion at Umingan sa boys’ play ang Taytay (Rizal) at Philippine Christian University sa 25-23, 25-19, 25-18 at 25-22, 25-12, 25-18 victories, ayon sa pagkakasunod..
Sa girls’ quarterfinals, naitala ng Kings’ Montessori School ang 25-15, 25-18, 25-12 panalo kontra San Juan Institute of Technology-Batangas upang maisaayos ang duelo sa UST habang pinataob ng La Salle-Lipa ang Gracel Christian College, 25-14, 25-13, 25-21, upang makuha ang karapatang hamunin ang powerhouse NU.
Nakatakda sa Sabado (April 27) ang classification matches para sa fifth hanggang eighth places para sa parehong both genders simula sa alas-10 ng umaga habang ang huling laro ay nakatakda sa alas-5:30 ng hapon. Ang iskedyul sa Linggo ang battle for bronze sa alas-10 ng umaga para sa boys at alas-12:30 ng tanghali para sa girls, at ang gold medal duels sa alas-3 ng hapon para sa girls at alas-5:30 ng hapon para sa boys.