Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
1:30 p.m. – LPU vs CSJL (Men Semis)
4 p.m. – SBU vs UPHSD (Men Semis)
PUNTIRYA ng defending champion San Beda at ng Lyceum of the Philippines University na maisaayos ang Finals rematch laban sa mga koponan na nagbabalik sa Final Four sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Makakasagupa ng top-ranked Red Lions ang No. 4 University of Perpetual Help System Dalta sa alas-4 ng hapon, habang makakabangga ng second seed Pirates ang No. 3 Letran sa ala-1:30 ng hapon.
Armado ng twice-to-beat advantage sa pagkopo sa top two spots sa double-round eliminations, ang San Beda at LPU ay kailangan lamang manalo ng isang beses upang magharap sa best-of-three championship para sa ikalawang sunod na season.
Nakumpleto ng Lions ang head-to-head elims sweep sa Altas sa pamamagitan ng 80-72 panalo sa isang ‘no-bearing’ match noong nakaraang Martes, habang ang Pirates at Knights ay na-split ang kanilang unang dalawang pagtatagpo ngayong season.
Matapos malasap ang nag-iisang talo sa torneo sa LPU, rumatsada ang San Beda sa 11 sunod na panalo upang magtapos bilang No. 1 team sa double-round elims na may 17-1 kartada.
“Hindi naman ako sa nagmamayabang, but I’m really surprised the way my boys played in the second round,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.
“After our loss to LPU in the first round, it’s really a change of mindset of the players. They really worked hard.”
Hindi tulad noong nakaraang tao nang dumiretso sila sa Finals via 18-0 sweep, tinapos ng Pirates ang eliminations na may 15-3 record sa second place.
Galing ang Pirates sa 68-75 pagkatalo sa Lions noong nakaraang linggo – ang unang pagkakataon na yumuko sila sa 21-time champions sa apat na elimination round meetings mula pa noong nakaraang season.
Naniniwala si LPU coach Topex Robinson na magiging mabigat ang kanilang laban.
“It’s going to be harder, but it will be sweeter. Every adversity that we went through bonds us together and that’s the way I look at things,” aniya.
Sisikapin naman ng Perpetual Help at Letran na maipuwersa ang rubber match laban sa kani-kanilang katunggali.
Comments are closed.