FINALS TARGET NG ‘TROPA’, HOTSHOTS

Laro ngayon:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

3 p.m.- TNT vs San Miguel

6 p.m.- Magnolia vs Meralco

SISIKAPIN ng TNT at Magnolia na maisaayos ang final showdown sa Game 6 ng PBA Philippine Cup semifinals ngayon sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.

Muling magtatangka ang Hotshots na makausad sa championship round makaraang maunsiyami sa Game 5 nang pataubin ng Meralco Bolts, 102-98, noong Miyerkoles para tapyasin ang deficit sa 3-2.

Nakopo naman ng Tropang Giga ang 3-2 bentahe makaraang tambakan ang San Miguel Beermen, 110-90, sa kanilang sariling best-of-seven semifinal series.

Nakatakda ang salpukan ng TNT at SMB sa alas-3 ng hapon, na susundan ng bakbakan ng Magnolia at Meralco sa alas-6 ng gabi.

Naniniwala si TNT coach Chot Reyes na kailangan nilang kumayod nang husto para makumpleto ang upset sa Beermen.

Target  ng Tropang Giga ang kanilang unang back-to-back wins sa serye at makabalik sa PBA Philippine Cup finals.

Matapos ang panalo sa Game 5 ay kumpiyansa ang Tropang Giga na magagawa nila ito basta mahigitan nila ang “intensity, effort at desire” ni June Mar Fajardo at ng kanyang teammates.

“Alam natin sobrang lakas ng San Miguel, at sanay sila sa playoffs. Pero kahit malakas sila, alam namin may tsansa kami if we can make our shots at kung lagpasan namin ang effort nila,” wika ni TNT ace guard Jayson Castro.

Nakatulong sa TNT ang pagbabalik ni Kelly Williams at hindi ininda ni Poy Erram ang broken cheekbone upang bigyan ang TNT coach ng solid rotation na nagpataob sa Beermen sa Game 5.

“Parang best-of-three so sobrang importante sa amin ito,” ani Castro.

Gagawin naman ng Bolts ang lahat para manatiling buhay ang kanilang kampanya at makahirit ng ‘do or die’.

“For sure, Magnolia would come out with all cylinders firing and should be as aggressive on both ends as his team, “ ayon kay  Meralco coach Norman Black.

“I know it’s going to be difficult. Magnolia is going to be really ready for us next game, but we just have to do it one more time,” pahayag ni Black.

“I think we have to take the same attitude again Friday night: do-or-die. There are no tomorrows for us,” dagdag ni Black. CLYDE MARIANO

4 thoughts on “FINALS TARGET NG ‘TROPA’, HOTSHOTS”

Leave a Reply

Your email address will not be published.