IPINAG-UTOS ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pamamahagi ng financial assistance sa may 3,493 estudyante ng City University of Pasay (CUP).
Sinabi ni Calixto-Rubiano, makatatanggap ng P3k ang bawat estudyante ng CUP bilang financial assistance mula sa buwan ng Pebrero hanggang Abril na kung saan P1k kada buwan para sa school year 2019-2020
Dahil dito, nagtakda na ng schedule si CUP President Rose Estuche para sa pamamahagi ng financial assistance ng mga estudyante na manggagaling sa 20 sona ng lungsod upang masiguro ang kanilang kaligtasan na hindi ma-expose sa banta ng COVID-19.
Ang financial assistance ng mga estudyante para sa mga natitirang buwan ng school year 2019-2020 ay nakatakdang ipamahagi sa Hulyo 13 na layong makatulong sa pangangailangan sa kanilang pag-aaral.
Ipinalabas na rin ni Estuche ang listahan ng kailangang requirements para makuha ang naturang allowance gaya ng photocopy ng School ID, photocopy ng Certificate of Matriculation (COM) para sa 2nd semester ng school year 2019-2020 at photocopy ng valid ID ng magulang o guardians na kukuha ng kanilang financial assistance.
Kasabay nito, nanawagan ang CUP management na sumunod sa schedule at mga patakaran na itinakda para sa pagkuha ng financial assistance tulad ng pagsusuot ng facemask, pananatili ng physical at social distancing pati na rin ang pagdadala ng sariling ballpen at alcohol. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.