(Part 17)
PARA magkaroon ng buhay na walang hanggan, dapat ay manampalataya tayo kay Cristo (tingnan ang Gawa 16:31, Efe-so 2:8, 9). Para magkaroon ng buhay na masagana, dapat ay sumunod tayo sa mga aral at utos ni Cristo (tingnan ang Mateo 7:24-27). Kaya ang tanong ay: Ano ba ang mga utos ni Cristo na dapat nating sundin? Ang sabi niya, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lub-hang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahin-gahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako’y maamo at may mababang loob. Maka-katagpo kayo sa akin ng kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.” (Mateo 11:28-30)
Ang utos ni Jesus ay lumapit tayo sa kanya at buhatin ang kanyang pamatok na magaan lamang naman. Ang mga Judio ay inutusan ni Moises na sumunod sa 613 na mga utos. Sobra ang bigat nito! Sa totoo lang, walang makasusunod sa lahat ng mga iyon. Kaya nga sinabi ni Apostol Pablo, “Wa-lang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” (Roma 3:10-12) Subalit ginawa ni Jesus na dalawa lang ang mga dakilang utos: Mahalin ang Diyos ng buong puso, buong kaluluwa at buong isip, at mahalin ang kapwa nang gaya ng sa sarili (tingnan ang Mateo 22:37-40). Heto ang listahan ng mga katuruan ni Jesus na makapagbibigay sa atin ng masaganang buhay:
– Magsisi sa kasalanan
– Manampalataya sa ebanghelyo
– Isilang sa Espiritu
– Tanggapin ang Banal na Espiritu
– Sumunod kay Jesus
– Manalangin
– Huwag pagdudahan ang Diyos
– Mag-aral ng Banal na Kasulatan
– Magliwanag ang iyong ilaw
– Magbantay sa Kanyang muling pagbabalik
– Mahalin ang Diyos nang higit sa lahat
– Gawin ang tungkulin sa Diyos at sa tao
– Mahalin ang kapwa gaya ng sa sarili
– Iwasan ang pag-iimbot
– Iwasan ang pagbabalat-kayo
– Maging mapagkumbaba
– Mahalin ang kapatirang Kristiyano
– Maging ganap ang pag-ibig
– Maging tapat sa Diyos
– Ipangaral ang ebanghelyo
– Magkaroon ng karunungan
Minsan, tinanong ko ang isang grupo ng mga maralitang taga-lungsod kung bakit may mga mahihirap na tao. Ang isin-agot nila sa akin ay dahil daw sa kasalanan, katamaran, kawalan ng pananampalataya, hindi pagkilala sa Diyos, katigasan ng ulo, kahangalan, maling paniwala na tadhana nila ang maghirap, kakulangan ng edukasyon, at iba pang dahilan. Marahil ay tama ang mga sagot nila. Subalit sa pag-aaral ko ng Banal na Kasalanan, may nakita akong apat na dahilan ng kahirapan. Una, may mga taong pinili nila ang maging mahirap. Pangalawa, may mga taong sumasailalim sa pagsasa-nay o pagsubok mula sa Diyos. Pangatlo, may mga biktima ng kawalan ng katarungan sa lipunan. At pang-apat, may mga naghihirap dahil bunga ito ng makasalanan o hangal na pamumuhay. Tatalakayin ko ang apat na mga kadahilanang ito.
Una, may mga taong pinili nilang maging mahirap dahil sa paglilingkod nila sa Diyos, ayaw nilang magambala ang isip nila sa mga makamundong gawain. Umaasa sila sa Diyos at umaasa rin sila na may mga taong may ginintuang puso na tu-tulong at mag-aambag sa kanila ng kanilang pangan-gailangan. May mga mongha, pari, pastor, misyonero, o mga manggagawa ng Diyos sa simbahan na ganito ang pilosopiya sa buhay. Namumuhay sila ayon sa pananampalataya (liv-ing by faith). Matatawag itong “Banal na Karalitaan” (Holy Poverty) dahil ginagawa nila ito alang-alang sa Diyos. Inukol nila ang buong buhay nila sa gawaing relihiyoso at ayaw nilang matali sa mga gawaing makamundo. Para mabuhay sila, dapat sana ay may mga taong mapagbigay na tutulong sa kanila. Itutuloy ko ang aking pagtatalakay sa susunod kong kolum.
Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.