(Part 3)
“KUNG nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito’y napalitan na ng bago.” (2 Corinto 5:17) Para maging tunay na Kristyano, dapat ay papasukin mo ang Banal na Espiritu sa iyong buhay. Ang ka-tawan natin ay tahanan ng Banal na Espiritu. Kung Siya ay pumasok na, babaguhin Niya ang iyong buhay. Tatanggalin Niya ang lahat ng mga masasamang gawaing nakasisira sa katawan. Tuturuan ka Niyang maging maayos sa buhay. Magiging tumpak at marunong ang la-hat ng iyong kapasiyahan at kilos. Unti-unting aangat ang iyong pamumuhay. Imposibleng manatili kang mahirap. Kung ang lahat ng iyong isip at kilos ay tumpak, hindi maiiwasang umasenso ang iyong pamumuhay.
Kasama sa mga tumpak na pagkilos na ituturo ng Diyos sa iyo ay ang pagiging masipag. Ang mga tunay na Kristyano ay hindi tamad. Sila ay nag-bibigay puri sa Lumikha sa pamamagitan ng pagiging masipag sa trabaho. Namumuhi ang Diyos sa mga tamad. Ang utos ng Diyos ay ang sinumang tamad ay dapat huwag pakainin. Huwag kukunsintihin ang mga tamad. Kapag buo ang pangangatawan mo, husto ang pag-iisip, may dalawang kamay at paa, dapat ay magtrabaho ka. Huwag maging palaasa; huwag maging palamunin. Utos din ng Diyos na kapag mayroon ka nang trabaho, dapat ay buong puso ka kung magtrabaho. (Colosas 3:23). Ayaw Niya ng mga pabandying-bandying sa gawain. Kung mahusay at masipag ka sa trabaho, matataas ka sa puwesto at lalaki ang iyong suweldo.
Kapag kumikita ka na, huwag mong gagastusin ang lahat. Dapat ay mag-impok ka. Ang sabi ng Panginoon, “Ang marunong na tao ay nag-iimpok; ngunit ang hangal ay gumagastos ng lahat.” (Kawikaan 21:20). Ayaw ng Panginoon na nagsasayang tayo ng oras, talento at kayamanan. Dapat ay mag-ing mabuting tagapangasiwa tayo ng lahat ng mga yamang inilalagay ng Diyos sa ating kamay. Paghandaan ang kinabukasan. “Save for a rainy day.” Mag-ipon para sa emergencies na maaaring dumating nang walang abiso. Matuto tayong gumastos ng 80% lang ng ating kita. Matuto tayong mamaluk-tot.
Gusto ng Diyos na mayroon tayong ‘surplus’ o labis (higit sa pangangailangan) para puwede tayong mag-practice ng generous giving. Magandang tayo ay bukas kung tumulong at magbigay sa mga nangangailangan at lalong-lalo na sa gawain ng Panginoon para maihatid ang mensahe ng kaligtasan sa buong mundo. Ang sabi ni Cristo, “Mas pinagpapala ang nagbibigay kaysa tumatanggap.” Ipinangako niyang tatanggap nang marami ang sinumang nagbibigay nang marami. Kung ano ang panukat na ginagamit mo sa pagbibigay, iyan din ang panukat na gagamitin ng Diyos para pagpalain ka.
Kapag malaki na ang ipon mo, huwag mong patutulugin lamang. Huwag mong ibabaon sa lupa o isusuksok lang sa alkansya. Dapat ay ilagay mo ito sa mga matatalinong puhunan. Dapat ay pinaaanak nang pinaaanak ang pera. “Ang lahat ng pera ay babae, nanganganak, dumarami.” Magandang puhunan ang negosyo na kabisado mong patakbuhin. Huwag kang papasok sa negosyong wala kang nalalaman; baka maloko ka ng mga tusong tao. Kung magaling kang magluto, mag-karinderya o restaurant o catering business ka. Puwede ka ring mag-food processing tulad ng tapa, tocino, longgani-sa, hotdog, boneless bangus, tinapa, tuyo, sardinas, atsara, kimchi, burong prutas, atbp. Maging malikhain ang iyong pag-iisip. Subalit mag-ingat ka sa mga manloloko. Maraming mga masasamang tao ang naghahanap ng kanilang mabibiktima ng kanilang swindling activities. Naghahanap ang mga kriminal na iyan ng mga taong may pera at walang kamuwang-muwang, kakaibiganin kuno, magpapanggap na mababait na tao, kukunin ang tiwala mo, pagkatapos ay sasabihing mayroon daw silang magandang negosyo at naghahanap sila ng mga investor.
Ang gusto nila ay ang milyon-milyong pisong ipon mo ay ipasok mo sa kanilang negosyo. Magbibigay raw sila ng kita mo na naka-tseke. Sa umpisa, magbibigay talaga ng tseke na may malaking halaga para lalo ka nilang mauto, lalo nilang makuha ang tiwala mo, at pagkatapos ay hihingi pa sila ng mas marami pang puhunan mula sa iyo. ‘Pag wala nang mahigop sa iyo, saka sila magsasabing humihina na raw ang negosyo nila at hindi na nila kayang magbigay ng kita tulad ng dati. ‘Pag iwi-withdraw mo na ang puhunan mo, hindi na nila ibibigay iyon. Kahit idemanda mo pa sila sa korte, mahuhusay silang magsuhol sa mga abogado, hukom at pulis. Matatalo ka. Maiitim ang kanilang budhi. Mga wala silang awa. Kaya huwag maging uto-uto. Maging matalino at mapagbantay.
Habang pinalalaki ng Diyos ang iyong kita, mas taasan mo ang porsiyentong iniipon at ibinibigay. At mag-enjoy ka rin ng iyong pamilya. Magtur-ismo kayo ng pamilya mo sa mga magagandang lugar sa Filipinas. Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.
Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.”
Comments are closed.