(Part 4)
DAPAT tanggalin ng mga Kristyano ang mga bisyo. Walang mabuting idudulot ang mga ito, kundi sakit at pag-tatapon ng pera. Dapat ay may makitang pagbabago sa buhay natin. Kung walang pagbabago sa buhay, wa-lang tagumpay. Huwag tayong papayag na inaapi-api ng kaaway. Ang kalooban ng Diyos ay magkaraoon tayo ng buhay na masagana. Iyan ang perfect will Niya. Hindi tamang hindi natin nararanasan ang mga pan-gakong kasaganaan ni Cristo. Huwag tayong maging talunan.
Heto ang isang magandang kuwento mula kay Jesus upang maging maliwanag kung saan nagmumula ang kasaganaan. May isang amo na may tatlong katulong. Dahil maglalakbay siya sa malayong lugar, tinawag niya ang tatlo para pamahalain sa ilang salapi ayon sa kanilang kakayahan. Ang utos Niya sa tatlo, “Ipangalakal ninyo ito hanggang ako’y muling bumalik.”
Ang una ay binigyan ng 10 salapi dahil malaki ang kilalang kakayahan nito. Alam ng Diyos ang kakayahan ng bawat isa sa atin. May ilang marami ang kakayahan; may iba na kakaunti lang. Ang pangalawang katulong ay pinamahala sa limang salapi. Sa pangatlo ay isang salapi. Binigyan sila ng trabaho habang wala ang amo. Alangan namang magpapa-bandying-bandying lang sila, samantalang pinakakain at sinusuwelduhan sila. Mali-wanag sa lahat ang utos ng amo, “Ipangalakal ninyo ito hanggang ako’y bumalik.”
Naglakbay nga ang amo. Ang unang katulong ay matalino. Ipinangalakal niya ang kanyang 10 salapi. Dahil sa diskarte niya, naparami niya ang 10 salapi at naging 20 na. Ang pangalawa ay matalino at masipag din. Isip negosyante siya tulad ng una. Ang kanyang limang salapi ay nagdoble at naging 10 na. Iyong pangatlong katulong ay tamad, walang diskarte, at duwag. Sinabi niya sa sarili, “Mahirap nang magkamali. ‘Pag ipapangala-kal ko ito, baka mawala pa at mapagalitan ako ng amo ko. Mabuti pa ay ibaon ko na lang sa lupa, para sig-uradong hindi mawawala.” Hindi niya sineryoso ang utos ng among ipangalakal ang salapi. Naging tamad siya, duwag, at walang diskarte. Tinago lang niya ang ipinagkatiwala sa kanya.
Paglipas ng mahabang panahon, bumalik na ang amo. Tinawag niya ang tatlong katulong para magbigay sulit. Tinanong niya ang tatlo, “Ano na ang nangyari sa salaping ipinagkatiwala ko sa inyo?”
Sabi ng una, “Boss, pinamahala mo po ako sa sampu. Nagnegosyo po ako; kaya heto ang sampung salapi ninyo at naging dalawampu na. Isinasauli ko na sa inyo.”
Sinabi ng amo, “Napakabuti at napakasipag mong lingkod. Dahil diyan, itataas kita sa puwesto. Pamama-halain kita sa mas marami.” Na-promote siya.
Tinawag ang pangalawa at tinanong, “Ano ang nangyari sa salaping ipinagkatiwala ko sa iyo?”
Sabi ng pangalawa, “Boss, pinagkatiwalaan ninyo po ako ng limang salapi. Heto po at naging sampu na. Isinasauli ko na po sa inyo.”
Tuwang-tuwa ang amo at sinabi, “Napakabuti at napakasipag mong lingkod. Ipo-promote din kita at pama-mahalain sa mas marami. Pumasok sa sa katuwaan ng iyong amo.”
Tinawag ang pangatlo at tinanong, “Ano ang nangyari sa salaping ipinagkatiwala ko sa iyo?”
Ang sagot ng pangatlo, “Boss, alam ko pong mabagsik kayo. Natatakot po ako sa inyo. Kaya nagpakasiguro po ako. ibinaon ko sa lupa ang salapi ninyo. Heto po, isinasauli ko na sa inyo ang isang salaping ipinagkatiwala niyo sa akin.”
Nagalit ang amo at sinabi, “Isa kang tamad at masamang lingkod. Bakit ibinaon mo lang sa lupa? Sana ay inilagay mo man lamang sa bangko para sa pagbalik ko ay kumita ako ng interes.” Iniutos ng amo sa ibang katulong, “Alisin ninyo sa kanya ang isang salapi at ibigay ito sa may sampu.”
Sumagot ang mga katulong, “Boss, may dalawampu na po siya.”
Sumagot ang amo, “Ang sinumang mayroon ay bibigyan pa at siya ay magkakaroon ng kasaganaan. Subalit iyong wala, pati iyong nasa kanya ay tatanggalin pa.” Pagkatapos ay iniutos ng amo na itapon sa labas ang tamad na katulong.
Iyan ang kuwento at turo ni Jesus. Tanong: Saan nanggagaling ang kasaganaan? Ano ang tamang ginawa ng unang dalawang katulong? Sila ay mga marurunong; masunurin sila sa utos ng amo. Sila ay masipag; madiskarte sila. Nagnegosyo sila. Tapat sila dahil isinauli nila ang pera ng amo nang walang kupit.
Ano naman ang masasabi natin sa pangatlong katulong kung bakit siya naghirap? Isa siyang hangal; kulang sa pag-iisip. Pasaway siya; inutusan siyang mangalakal, subalit ang ginawa niya ay ibinaon sa lupa. Isa siyang tamad. Ang tagal na nawala noong amo. Trabaho nang trabaho iyong dalawang katulong, subalit itong pan-gatlo ay nagpabandying-bandying lamang. Gusto lang niyang makalibre ng pagkain at sumuweldo nang walang ginagawa. Dapat bang yumaman ang mga taong tamad na tulad niya? Natutuwa ba ang Diyos sa mga taong tamad at pabandying-bandying lang? Hindi! Galit ang Diyos sa mga taong tamad at hangal.
Tandaan: “Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.”
Comments are closed.