PINAHIHIGPITAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proseso ng pagkuha ng driver’s license, lalo na sa mga magmamaneho ng mga pampublikong sasakyan.
Pinulong ng Pangulo ang mga opisyal ng sektor ng transportasyon para ibaba ang kaniyang direktiba.
Iniutos ng Pangulo na isama ang IQ test at kakayahang pampinansyal ng aplikante sa proseso ng pagkuha ng lisensya.
Kailangan ding maibalik ang mandatory drug test at magkaroon ng minimum IQ level bago payagang makapagmaneho ang aplikante.
Samantala, maglalabas naman ng executive order and Department of Transportation (DOTr) kung saan nakalatag ang lahat ng direktiba ng Pangulo hinggil dito. DWIZ882
Comments are closed.