ISINUSULONG ng isang kongresista ang pagkakaloob ng financial incentive ng mga negosyante o employer sa mga manggagawa para makatulong sa pag-angat ng kanilang kabuhayan.
Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo, higit sa mga papuri na madalas banggitin tuwing Labor Day, dapat na maaksiyunan na ang panukala para sa 14th month pay ng mga empleyado sa gobyerno, gayundin sa pribadong sektor.
Giit ng kongresista, simula noong 2016 ay naitala ang mataas na economic growth ng bansa kaya hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng ilang negosyante na hindi nila kayang ibigay ang 14th month pay.
Dagdag pa niya, kapag naisabatas na ang tinatawag na TRABAHO bill, mas tataas pa ang kapasidad ng mga kompanya na magbigay ng financial incentive.
Binigyang-diin niya na malaki ang maitutulong ng 14th month pay bilang extra cash ng bawat pamilya sa panahon ng enroll-ment mula Mayo hanggang Agosto. CONDE BATAC
Comments are closed.