IPINASA ng Kamara sa 3rd and final reading ngayong linggo ang isang panukalang batas na naglalayong ituro ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kanilang mga mag-aaral ang “financial literacy” o tamang kaalaman sa pananalapi upang matutong paunlarin ang kanilang pamumuhay.
Umabot sa 246 ang affirmative na boto ng mga mambabatas sa plenaryo ng lower chamber para ipasa ang House Bill (HB) 9292, o ang “Proposed Act mandating the inclusion of a personal financial literary course in the Technical-Vocational Education and Training (TVET) curriculum of technical vocational institutions (TVI) and TESDA training centers”.
Kabilang sa mga principal author ng naturang bill ay sina Reps. Jose Manuel Alba, Mark Go, Eulogio Rodriguez, Joseph Gilbert Violago, Franz Pumaren, Jefferson Khonghun, Mikaela Angela Suansing, Maria Fe Abunda, Antonieta Eudela, Edgar Chatto, Franz Castro, Lani Mercado-Revilla, Joselito Sacdalan, Maximo Dalog Jr., Carl Nicolas Cari, Jose Gay Padiernos, Eric Buhain, Jurdin Jesus Romualdo, at Manuel Jose Dalipe.
“The bill seeks to equip the students with basic knowledge and additional skills in wealth management and contingency planning, especially in properly handling their finances, prepare them to make well-informed financial decisions upon entering the workforce, and help them master financial literacy as an essential life skill in their day-to-day transactions and other activities,” paliwanag ng mga may akda sa naturang panukalang batas.
“Once enacted, HB 9292 would broaden the opportunities and venues for teaching a personal financial literacy course to strengthen financial education among Filipinos. Financial literacy is a precious skill that, unfortunately, few have. Filipinos who are financially literate are more likely to avoid financial frauds, develop financial discipline, use debt responsibly, and save their money for education or retirement,” sabi ni House Speaker Romualdez sa isang pahayag.
Ipinapakita ng panukalang batas na ang mga TVI at TESDA training centers ay dapat magbigay ng kinakailangang pinansyal na edukasyon sa mga mag-aaral sa tech-voc habang tinutulungan silang matuto at bumuo ng iba pang praktikal na kasanayan at kakayahan sa tech-voc.
Nagbibigay ito ng mandatoryong pagsasama ng Personal Financial Literacy Course (PFLC) sa TVETcurriculum.Ito ay dapat tumutok lamang sa personal na pananalapi batay sa mga patakaran, alituntunin, at pamantayang magkakasamang itinakda ng TESDA, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Finance (DOF), Securities and Exchange Commission (SEC), at ng Insurance Commission (IC).
“The bill shows that TVIs and TESDA training centers shall provide the necessary financial education to tech-voc students while helping them learn and develop other practical tech-voc skills and competencies.It provides mandatory inclusion of Personal Financial Literacy Course (PFLC) in the TVET curriculum.It shall focus solely on personal finance based on the policies, guidelines, and standards set jointly by the TESDA, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Finance (DOF), Securities and Exchange Commission (SEC), and the Insurance Commission (IC).A passing grade in the PFLC shall be required for graduation or completion of the course,” ang nakasaad sa naturang panukalang batas. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia