SINUSPINDE ang trading ng foreign exchange at equities, at iba pa kahapon dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Sa isang abiso, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na dahil sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa government offices sa typhoon-affected areas, sakop din nito ang ilang operasyon.
Kabilang dito ang cash deposits at withdrawals sa Security Plant Complex, ang operasyon ng Philippine Payment and Settlement System (PhilPass), ang peso-US dollar trading, at ang monetary operations.
Suspendido rin ang equities trading sa Philippine Stock Exchange, Inc. (PSE).
Sa isang memorandum na inisyu noong Miyerkoles, sinabi ng PSE na magpapatuloy ang trading ngayong araw, November 12, kapag ang kasalukuyang public storm signal warning number 3 ay ibinaba sa signal number 2 o 1 sa Metro Manila.
“Otherwise, if the public storm warning signal remains at signal number 3, then there will be no trading at the PSE,” sabi pa ng PSE.
Nakasaad din sa memorandum na dahil suspendido ang Philpass operations dahil sa work suspension sa government offices, walang clearing at settlement activities sa Securities Clearing Corporation of the Philippines.
“Should there be trading tomorrow, please note that the trades transacted today, November 11 (Wednesday), and tomorrow, November 12, (Thursday), will be due for settlement on November 17 (Tuesday),” dagdag pa nito. PNA
Comments are closed.