FINANCIAL RE-ENGINEERING APRUB KASABAY NG BULACAN AIRPORT

Joey Salceda

Inaprubahan ng Kamara kamakailan ang House Bill 7507, (HB 7507) na magbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), na magtatag ng international Airport sa Bulakan, Bulacan at isang ‘airport city’ sa karatig nitong lugar. Ang SMAI ay subsidiary ng San Miguel Corporation (SMC).

Kasama sa inaprubahang bill ang “financial re-engineering” provision  na binalangkas ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na titiyak na ang 50-taong prangkisa at kontrata sa panukalang New Manila International Airport (NMIA) ay magiging patas at kapaki-pakinabang para sa SMAI at mga Filipino.

“Natatanging proyekto at pamumuhunan ang proyektong ito. Gusto ko itong matuloy at magkatotoo. Ipinanukala ko lang sa pamunuan ng Kamara ang pagbabago sa ilang probisyon ng dating bill, HB 7241 na titiyak na magiging lalong mahusay at kapaki-pakinabang ang proyekto,” paliwanag ni Salceda na pinasalamatan din ang pamunuan ng Kamara sa pagtanggap nito sa kanyang mga panukalang pagbabago.

Inaasahang paluluwagin ng NMIA ang karaniwang kasikipan sa Ninoy Aquino International Airport at isusulong nito ang makabuluhang pag-unlad sa Gitnang Luzon.

Layunin ng dating bill (HB 7241) na likhain ang Airport City and Economic Zone at magkakaloob ng prangkisa para sa airport na bibigyan din ng maraming ‘tax exemptions.’

Tampok sa ‘financial re-engineering’ sa dating bill ang mga sumusunod: 1) Dapat hiwalay ang bill para sa ‘ecozone’ at prangkisa ng NMIA; 2) dapat walang ‘gross income earned regime’ ang ecozone; 3) ang prangkisa para sa airport ay para sa SMAI lamang na mangangasiwa nito; 4) ang ‘tax provisions’ ng bill ay dapat katugma ng sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na iaasahang magiging batas agad; at 5) dapat malinaw ang mga hangganan ng ecozone. Lahat ng mga ito ay inaprubahan ng Kamara.

“Sadyang higit na patas ang HB 7507 kaysa HB 7241. Tiyak na kapaki-pakinabang ang P740-bilyong proyektong ito na katumbas ng 4% ng ating ‘gross domestic product’ (GDP). Bilang konsiderasyon naman, humihingi sila ng mga ‘tax concessions’ na dapat namang ibigay. Kaya tiyak na magiging kapaki-pakinabang at makabuluhan ang patas na mga ‘tax provisions’ sa inaprubahang panukalang batas,” puna ni Salceda.

Inaprubahan na rin ng House Tax Committee ang isa pang ‘substitute bill’ na akda ng kongresista na lilikha sa ‘Bulacan Airport City Special Economic and Freeport Zone.’

3 thoughts on “FINANCIAL RE-ENGINEERING APRUB KASABAY NG BULACAN AIRPORT”

  1. 836348 322093This article contains fantastic original thinking. The informational content material here proves that things arent so black and white. I feel smarter from just reading this. 732379

Leave a Reply

Your email address will not be published.