MAKATATANGGAP si Filipino pole vaulter EJ Obiena ng financial support hanggang sa pagsabak niya sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Ito ang tiniyak ni Philippine athletics chief Philip Ella Juico sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum kahapon.
Ayon kay Juico, inihahanda na ang budget para kay Obiena.
“The budget for EJ, from now up to the Olympics, has been approved, thankfully, generously, by the PSC (Philippine Sports Commission). We’re happy to announce that,” sabi ni Juico.
“His needs will all be met, despite the pandemic.”
Ang 24-year-old na si Obiena ay patuloy na nagsasanay sa Italy sa kabila ng banta ng pandemya. Nagawa pa rin niyang lumahok sa ilang torneo, kung saan nagwagi siya ng gold sa 59th Ostrava Golden Spike competition sa Czech Republic matapos ang 5.74 meters na pagtalon.
Sa Rome leg ng Diamond League ay nagtala siya ng season-best 5.80 meters upang pumangatlo kina Ben Broeders ng Belgium at Armand Duplantis ng Sweden.
Ayon kay Juico, nakahanda si Obiena na muling simulan ang kanyang paghahanda para sa Tokyo Olympics matapos ang sandaling pahinga.
“He’s about to start his foundation training for indoor. The indoor season will start in February, and then he moves to the outdoor season, which is all the way up to July, to the Olympics,” aniya.
Si Obiena ay isa sa apat na Pinoy athletes na pasok na sa 2021 Olympics. Ang tatlong iba pa ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Irish Magno at Eumir Felix Marcial.
Comments are closed.