FINGER FOOD FOR HOLIDAY PARTY

BACON-WRAPPED

HINDI nga naman mawawala ang kainan sa mga handaan. Lalong sumasarap ang kuwentuhan kapag may pinapapak o pinagsasaluhan. At dahil hilig din nating mga Filipino ang pagkain, lagi’t laging may nakahandang masasarap at espesyal na pagkain sa tuwing may mga pagdiriwang o okasyon.

Hindi na nga naman mapipigilan ang pagsapit ng Pasko.  Marami na rin sa atin ang naghahanda at nag-iisip ng mga pagkaing kanilang lulutuin. Sa mga handaan din—maliit man o malaki ay hindi nawawala ang pica-pica, appetizer o finger food.

Tunay nga namang hindi lamang pampamilya ang Pasko kundi para rin ito sa magkakaibigan at magkakatrabaho. Kumbaga, para sa kahit na sino. At sa mga magkakatrabaho at magkakapamilyang nagpaplano ng salo-salo ngayong paparating na holiday, narito ang ilang finger food na tiyak na maiibigan ng kahit na sino, hindi lamang din ito swak sa panlasa dahil pasok din ito sa ating mga budget:

EGG BUFFET BITES

EGG BUFFET BITESHindi lamang sarap o kakaibang lasa ang iniisip natin sa tuwing mag­hahanda tayo ng mga pagkain, maganda rin kung nakatatawag ito ng pansin o makukulay.

At isa nga sa simple o madaling ihanda pero tiyak na nakatatawag-pansin sa lahat ng inyong  magiging bisita ay ang Egg Buffet Bites.

Kailangan lang sa finger food treats na ito ay ang hard-boiled egg. At para maging kakaiba, mag-isip ng iba’t ibang toppings na makukulay gaya na lang ng bacon, spring onions at bell pepper.

BACON-WRAPPED AVOCADO FRIES

At dahil isa ang bacon sa paborito ng marami sa atin, isa pang finger food na maa­aring subukan ang Bacon-wrapped Avocado Fries.

Bukod nga naman sa bacon, fries ang isa pa sa love na love hindi lamang ng mga bata kundi ng kahit na sino. At dahil diyan, swak na swak din itong ihanda ngayong holiday.

Imbes nga naman na ang gagawing fries ay ang nakasanayang patatas, ang gagamitin natin sa finger food na ito ay ang avocado. Hiwain lang ang avocado ng kasinlaki ng regular na fries, puwede rin namang mas makapal kung gusto ninyo. Kumbaga, depende sa inyo kung gaano kakapal ang gagawin ninyong hiwa.

Pagkatapos ay balutin na ang mga hiniwang avocado gamit ang bacon saka ito i-bake ng mga limang minuto o hanggang sa maluto ang bacon.

CHRISTMAS TREE CHEESE AND CRACKERS PLATTER

CHRISTMAS TREE CHEESE AND CRACKERS PLATTERMay dalawa pang hindi nawawala kapag Pasko, at iyan ang iba’t ibang klase ng cheese at crackers.

Hindi naman kaila­ngang mahal ang gagamiting cheese, kahit na anong mayroon sa bahay ay maaari ninyong ga­mitin sa pica-pica na ito.

Kakailanganin mo lang ng maraming cheese at crackers. Ipor­ma lang na Christmas tree ang hiniwa-hiwang cheese. At sa gilid nito ay saka naman ilagay ang crackers.

Maaari rin namang samahan ang cheese ng iba’t ibang prutas gaya ng grapes o apple.

SMOKED SALMON BITES

Pinaghahandaan nga naman ng marami sa atin ang Pasko. At isa pa sa masarap ihanda kapag holiday ay ang Smoked Salmon Bites.

Kakailanganin lang ng salmon na hiniwa ng maninipis sa recipe na ito, gayundin ang garlic bread. Kung walang garlic bread, kahit na anong bread ay maaaring gamitin.

Kung wala namang salmon o hindi kasya ang inyong budget, hindi mo rin naman kailangang malungkot dahil maaari kang gumawa ng Garlic bread salsa.

Sa recipe namang ito, ang kakailanganin mo lang ay maraming kamatis na hiniwa-hiwa ng pino. Timplahan ito saka ilagay sa ibabaw ng garlic bread.

PIZZA WHEELS

PIZZA WHEELSPizza ang isa sa kinahihiligan ng marami sa atin—may okasyon man o wala. Napakasimple lang din naman kasi niton orderin at marami ring choices ng flavor.

Kapag tinamad mag­luto, isa ito sa madalas na ino-order. Pero simple lamang din ang paraan ng paggawa ng pizza kaya’t kahit na nagma­madali ka o nasa bahay ka lang, makapaghahanda ka nito. Kailangan mo lang ng pizza dough, toppings at lutuin ito. Para rin maiba ang hitsura,  puwede mong gawing pizza wheels. Maganda ang presentasyon at masarap pa. Bata man o matanda, kahihiligan ito.

Swak itong pagsaluhan ng magkakabarkada ngayong Pasko habang nagkukuwentuhan.

Napakarami nga namang finger food na maaari nating pagpilian ngayong holiday. Kaya naman, pag-isipan n’yo na kung alin dito ang inyong ihahanda. Maaari rin naman kayong gumawa ng sarili ninyong recipe.  CT SARIGUMBA

Comments are closed.