FINIS PH SWIM CHAMPIONSHIP SA CLARK

MAS pagyamanin ang grassroots sports development program sa Philippine swimming ang misyon at adhikain ng FINIS Philippines at ang ilalargang 2022 Short Course Swim Competition Series -Luzon leg ngayong weekend sa New Clark City Aquatics Center sa Tarlac ang una sa serye ng mga laro.

Ayon kay coach Vince Garcia, FINIS Marketing Director, isinabay na rin ang pagbabalik-aksiyon ng kabataan sa triathlon sa isasagawang Kids of Steel (KOS) Triathlon na magtatampok sa mga batang atleta na may edad 12 pababa.

“Our hearts go out to all kids that were cooped up for two years. It has affected their social skills in interacting with other kids, as well as other people. When Level 1 restrictions of the pandemic were announced, we thought that it was the perfect time to have the kids to finally come out and play. Sports is very important to hone the life skills of kids and we should all nurture that,” pahayag ni Garcia sa isinagawang media presentation kahapon sa NCCAC.

”Once we get our momentum, we have other sports to host in the near future. In the pipelines are the Finis Long Course Swim Competition Series, Open Water Swim Races, Aquathlons, and lots of swim-related training clinics to develop everyone to love the sport of swimming,” aniya.

Kasabay na rin ang pormal na paglagda sa memorandum of Agreement (MOA) ng FINIS sa pakikipagtambalan sa Bases Convertion Development Authority (BCDA) na kinatawan nina  Officer-in-Charge President and CEO Atty. Aristotle B. Batuhan, SVP for Corporate Services Arrey Perez at Finis Philippines Director Marieta Herranz .

“We at the BCDA would like to thank Finis Philippines for choosing New Clark City as their venue of choice for its competitions and training camps. With the country now shifting to the new normal, the BCDA is looking forward to opening its doors to more swimmers and athletes in New Clark City, giving them access to world-class sport facilities,” sabi ni Batuhan.

Tampok sa dalawang araw na kompetisyon ang mga premyadong age-group swimmers, sa pangunguna nina National Junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh, Marcus De Kam, at Jat Huge Parto. Ipinakilala rin ang tatlo bilang pinakabagong FINIS ambassadors.

“We will try our best. Nagpapasalamat po kami sa ibinigay na tiwala ng FINIS. Ang ganito pong tournament ay malaking bagay sa development ng mga batang swimmers na tulad ko,” ani Mojdeh, Palarong Pambansa champion at multi-titled sa junior meet.

“Sa siyam na event na lalanguyan ko, hopefully makapag-perform ako nang maayos, “ pahayag ng 16-anyos na Garde 10 student sa Brent International-Laguna,

Batay sa format, ang 10 swimmers na may pinakamataas na puntos sa bawat event na lalahukan sa kabuuan ng serye ang papasok sa National Finals na nakatakda sa Mayo. Ang ikalawang leg ay gagawin sa Boracay, habang hinahanapan pa ng venue ang Mindanao leg. EDWIN ROLLON