FINIS SWIM FESTIVAL SA DAVAO DEL SUR

Ateneo Swimming

HITIK sa aksiyon ang matutunghayan sa gaganaping Davao Del Sur Swim Festival ngayong Agosto sa Matti, Digos City, Davao del Sur.

Inorganisa ng FINIS Philippines, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Davao del Sur sa pamumuno ni Gov. Yvonne Rona-Cagas, sisimulan ang Swim Festival sa gaganaping Mindanao leg ng FINIS Short Course Swim Championship sa Agosto 6-7 sa Davao del Sur Olympic Size Pool sa loob ng bagong gawang Gov. Douglas RA Cagas Sports, Cultural and Business Complex sa Matti, Digos City, Davao del Sur.

“FIBIS is offering the best program for homegrown talents. Focus kasi namin na mabigyan ng chance ang mga regular swimmers to compete in a global-type of environment. Dito para silang sumnali sa event na pang-international, from medals, equipment and technical people we based it to an international organized event,” pahayag ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia.

Iginiit ni Garcia na layunin ng FINIS na makatulong sa grassroots sports program at sa mahabang panahon ng kanyang pagkakasangot sa local swimming, tiniyak niyang napakaraming talento na naghihintay lamang ng pagkakataon para mas mapataas ang level ng talent at mapabilang sa national team.

“Kami sa FINIS, tumutulong na makagawa ng programa sa grassroots, sa dami ng magagaling sa Pilipinas, we’re hoping na ang NSAs ay makatulong sa homegrown talents para sila ang mailaban sa competition abroad,” pahayag ni Garcia.

Nakalinya namang isagawa ang FINIS Passig Islet 5K Open Water Swim Challenge sa Agosto 27 at ang Kids of Steel Triathlon Finis Green Aquathlon (kids & adults) sa Agosto 28 sa Digos City.

Inaasahan ni Garcia ang pagdagsa ng mga lahok matapos ilagay ang online registration hanggang Agosto 1 sa Raceyaya.com bunsod ng paghahangad ng mga swimmer na makapasok sa National Finals sa Agosto 20-21 sa New Clark City sa Tarlac.

Ayon kay Garcia ang top 16 swimmers sa bawat event ang maglalaban-laban sa National Finals kung saan naghihintay ang mas malalaking papremyo, kabilang ang training package sa mga atleta na makakabura sa national record.

EDWIN ROLLON