FIRE TRUCK SUMALPOK SA 10-WHEELER TRUCK, 6 BOMBERO SUGATAN

Fire Truck

NEGROS OCCIDENTAL – NAGTAMO ng sugat ang anim na bombero matapos na sumalpok ang kanilang fire truck sa nakaparadang 10-wheeler truck sa Himamaylan noong Biyernes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may sunog sa­nang rerespondehan ang mga bomberong sakay ng fire truck nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay Himamaylan police chief Police Lt. Ervin Glenn Provido, sinabi ng fire truck driver na si FO2 Ruben Villafranca na nasilaw siya sa kasalubong na patrol car ng pulisya kaya kumabig pakanan at tuluyang nabangga sa nakaparadang truck.

Dagdag pa ni Provido na posibleng hindi nakita ni Villafranca ang nakaparadang truck dahil wala itong early warning device.

Isang bombero na lamang ang patuloy na ginagamot sa ospital habang nakauwi na ang iba pa niyang mga kasamahan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.