MAGPAPAKALAT ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng fire trucks para mag-deliver ng tubig sa mga residente na apektado ng pagkawala ng suplay ng tubig.
Ayon kay Ares Gutierrez, pinuno ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department, bumuo na ang pamahalaang lokal ng isang joint monitoring center para sa pagrarasyon ng tubig.
Ani Gutierrez, aabot sa 285,000 na bahay mula sa 82 barangay ang apektado ng water shortage.
Gayundin, pakikilusin ng Quezon City Fire District ang labing walong fire stations para sa pagrarasyon ng tubig.
Idinagdag pa nito, para sa mga residente sa Quezon City, maari nilang i-report ang kawalan ng suplay ng tubig sa Hot-line 1627 o sa Quezon City Hotline 122.
Comments are closed.